Saturday, April 29, 2006

Pinoy Jokes: Sari-sari

pinoy's weakest link...

Host: What "N"(narra) is the Nat'l tree of the Phils?
Contestant: niyog?
Host: Mas matigas pa diyan
Contestant: (in a strong-sounding voice)
NIYOG!!!
********************
Host: Saang "B" (bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: sa Back?
Host: O sige, pwede rin na ang simula ay letter "L" (luneta)
Contestant: Likod?
Host: hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng Modern name
niya (Rizal park)
Contestant: Rear Part? (susme!likod pa rin yun!!)
*****************
Host: Saang "B" (beach) tayo Madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hinde, pag pumunta ka dun, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hinde, marami kang makikita duong mga babaeng Naka-bikini.
Contestant: BEERHOUSE!
****************
Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw
ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito
Contestant : Safeguard?
Host:Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant: Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Si MR. CLEAN!
***************
Host: Anong "S" (salbabida) ang ginagamit na Floatation device sa dagat
upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hinde! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito Lalake.
Contestant: Siyoke?


intsik and taxi driver...

Intsik: "Magkano punta sa Makati?"
Taxi Driver: " Ikaw lang bang mag-isa?"
Intsik: "Bakit, di ikaw sama?"

Secret...

Girl: Love, what's your valentines gift to me?
Boy: SECRET!
Girl: How sweet naman, you want it to be a surprise.
Boy: Gaga! Secret, para sa kilikili mo!

Mahal mo ko...?

Wife: Love, mahal mo ba ako?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.
Wife! : Enjoy ka ba sa akin?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.
Wife: Baka naman niloloko mo lang ako?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.

Kano at tindera

Sa airport canteen..umorder and isang amerkano.

Kano: Miss, will you give me one few two.

Tindera: What, Sir?

Kano: I said one few two.

Tindera: Ah, puto!

Kano: Yeah, thats right!

(Sa loob-loob ng tindera, tanga! puto lang, pino-few two few two pa! Gagantihan ko siya.)

Tindera: Okay, Sir What do you like? few la? or few ti?

lagyan ng "S"

Anak : Tays ! kakains nas tayos !

Tatay : Hoy ! Tigilan mo yang kalalagay mo ng 'S' sa mga sinasabi mo ha! Ano ba ang ulam ?

Anak : BANGU na may KAMATI, ARDINA na may IBUYA !

No comments: