Sunday, January 08, 2006

Pinoy Joke: Ang pag-uwi ni nanay

Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria.
Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa. Pagdating ng kabaong, napansin
ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha sa salamin ng ataul. Nagcomment tuloy and isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!"

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong.

Aba! May sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa.

Ito'y isang liham mula kay Maria: (magbaon ng panyo)


Mahal kong tatay at mga kapatid,

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na.

Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

1. Nasa likod ni nanay ang 24 na corned beef;

2. And adidas na suot ni nanay ay para kay tatay;

3. Ang 5 pairs ng de-goma ay nasa loob ng 2 blue Jansports na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo;

4. Ang iba't-ibang klase ng tsokolate/candy ay nasa puetan ni nanay; (Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga ito);

5) Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. (Gift ko sa 1st b'day ng bata. )

6) Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. (Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay,
japanese version ng pokemon trading cards at stickers. )

7) Suot ni nanay ang 3 Ralph Lauren, 4 Gap, at 2 Old Navy t-shirts. (Isa kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. );

8) Suot din ni inay ang 6 pantyhoses at 3 warmers para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.

9) May 1 dozen NBA caps sa may paanan ni nanay. (Para sa inyo, itay, kuya, Dikong, & Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at yong isa ay kay Pareng Tulume).

10) Ang 2 pairs ng Nike wristbands/kneecaps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball.

11) Tigalawang ream ng Marlboro green at Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

12) 4 jars ng Skippy Peanut Butter, 2 dishwashing liquids, 1 Kiwi glass cleaner, at tig-aanim na Colgates/AquaFresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan ha?

13) 1 dozen WonderBras na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya.

14) Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Kunin mo agad, tatay.

15) Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, Ditse.

16) 1 RayBan ladies sunglasses na pa-b'day ko kay Ninang Berta, hindi ko pinasuot kay nanay.(Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay. Nasa pink na plastik na maliit.)

17) Mga Chanel/Champion na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.

18) Misc: Mga pampers, pantyliners, cottonbuds/balls, table napkins, at mga scotchbrite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels... yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni
nanay.

(Marami-rami rin yon. Parte-parte rin kayo.)

Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausages na delata, barbie dolls, toothbrushes, papercups, plastic spoons/forks, paper/styrofoam plates, perfumes/colognes, pens, stationaries, envelopes, soaps, matchbox toys, used t-shirts, handtowels, CD's, VHS tapes, padlocks, tools gaya ng screwdrivers, plais,
longnose, atbp. na hindi ko na na-itemize dahil nagmamadali ako.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si Nanay pa ang maiwan.

Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, Dikong, at Ditse. Para sa inyo lahat yan. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Paki-doublecheck ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Maria

P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay!

No comments: